Patay ang isang 39-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Crossing Sinakulay, Barangay Malangit, Pandag, Maguindanao del Sur. Kinilala ang biktima na si Muda Hasim Usman, residente ng Talayan, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
Kasama ng biktima ang kaniyang asawa at isang apat na taong gulang na bata nang sundan at pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo. Isinugod pa sa Buluan District Hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay. Hindi naman nasaktan ang kaniyang mga kasama.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen.










