Inihanda at itinalaga ng Cotabato City Police Office o CCPO ang kanilang mga tauhan upang tiyakin ang seguridad sa paligid ng Bangsamoro Government Center sa Cotabato City ngayong araw.
Bahagi ito ng pinaigting na paghahanda para sa inaugural session ng unang halal na Bangsamoro Parliament na nakatakda bukas, Oktubre trenta, dos mil bente-sais.
Pinapaalalahanan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa mga panuntunan sa seguridad, at iwasan ang mga lugar na may restriksiyon upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod.










