Patuloy na minomonitor ng Cotabato City Police Office o CCPO ang mga naitatalang insidente ng pagnanakaw at iba pang krimen sa lungsod. Ayon sa CCPO, bahagi ito ng kanilang mandato upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa bawat komunidad sa Cotabato City.

Ito ang pahayag ng tagapagsalita ng CCPO matapos bisitahin ng 102.1 Juander Radyo Cotabato News ang kanilang tanggapan. Ayon sa pulisya, patuloy nilang tinututukan ang mga ulat at reklamo na may kaugnayan sa pagnanakaw at iba pang insidente upang agad na makaresponde at makapagsagawa ng kaukulang imbestigasyon.
Kasabay nito, hinihikayat ng pulisya ang mga residente na maging mapagmatyag at agad na ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente sa kanilang lugar. Sa pamamagitan umano ng pagtutulungan ng komunidad at pulisya, mas madaling matutugunan ang mga insidente at mapapalakas ang seguridad sa Cotabato City.










