Doble ang pag-iingat sa mga motorsiklo upang hindi manakaw, ito ang panawagan ng ilang motorista sa Cotabato City. Sa isinagawang Pulso ng Bayan ng 102.1 Juander Radyo Cotabato News, nakapanayam ang ilang motorista tungkol sa kanilang mga karanasan at pananaw sa seguridad ng kanilang mga motorsiklo.
Ayon sa ilang motorista, mahalagang maging maingat sa lahat ng oras, lalo na kapag iniiwan ang motorsiklo sa mga pampublikong lugar. Hindi umano dapat basta-basta iniiwan ang motor nang walang sapat na seguridad dahil maaaring maging pagkakataon ito para sa mga magnanakaw.
Dagdag pa nila, mas mabuting magsimula sa sariling pag-iingat upang maiwasan ang posibleng pagnanakaw. Panawagan nila sa kapwa motorista na laging siguraduhing nakakandado nang maayos ang kanilang motorsiklo at huwag itong iwan sa mga lugar na madaling mapuntahan ng mga kawatan.










