Sugatan ang dalawang indibidwal matapos ang isang pamamaril sa Cotabato City Central Pilot School ngayong araw, Setyembre 14, kasabay ng isinagawang 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Batay sa paunang impormasyon, naganap ang insidente sa loob o paligid ng paaralan na nagsisilbing polling center para sa halalan. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang alamin ang mga detalye ng insidente at matiyak ang seguridad ng mga botante at election personnel sa lugar.
Isinugod naman sa pagamutan ang dalawang sugatan para sa kaukulang lunas. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga sangkot, ang eksaktong pangyayari at ang motibo sa likod ng pamamaril. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa insidente.
Photo Courtesy: CCPO










