Sugatan ang Isang pulis matapos ang naganap na komosyon sa loob ng Cotabato City Central Pilot School habang nagsisimula ang botohan para sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections ngayong araw, Setyembre 14, 2026.
Batay sa paunang impormasyon, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng polling center na agad namang tinugunan ng mga awtoridad upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lugar. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng insidente, gayundin ang kasalukuyang kondisyon ng sugatang pulis.
Samantala, pansamantalang pinalabas sa polling center ang mga botante at watchers habang isinasagawa ng mga awtoridad ang clearing operation at seguridad sa lugar.
Patuloy ang pagmomonitor ng mga awtoridad sa sitwasyon habang hinihintay ang karagdagang detalye hinggil sa insidente.
Photo Courtesy: CCPO










