Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Crossing Tinidtiban, Barangay Batulawan, Midsayap, Special Geographic Area (SGA) ng BARMM.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima batay sa kanyang identification card na si Ralphzan Tayuan Pilas, na nakatala bilang residente ng Datu Piang, Maguindanao del Sur. Ayon sa paunang ulat ng pulisya, nagtamo ng fatal na shot sa ulo ang biktima na nagdulot ng kanyang agarang pagkasawi.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen. Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation at malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at ang tunay na motibo sa likod ng pamamaril.
Ipinapakita lamang ng insidenteng ito ang pangangailangan ng mas pinalakas na seguridad sa mga pangunahing intersection sa SGA-BARMM upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Photo Courtesy: Citizen










