Dead on the spot ang isang lalake matapos barilin ng dipa tukoy na salarin habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Pagatin 1, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur. Kinilala ang biktima na si Naz Butuan, alyas “Roy,” nasa hustong gulang at residente ng Barrio Beka, Poblacion, Shariff Aguak sa kaparehong lalawigan.
Batay sa paunang imbestigasyon, patungo umano ang biktima sa Datu Saudi sakay ng Kawasaki Top Down Bajaj motorcycle nang pagbabarilin ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sanhi para ito ay agad na mawalan ng buhay.
Blangko pa ang mga otoridad sa maaring motibo sa krimen habang patuloy itong iniimbestigahan. Nagsagawa na rin ng koordinasyon para sa dragnet at checkpoint operations sa mga karatig na lugar ang mga otoridad.










