Pormal nang nagkapit-bisig ang 6th Infantry “Kampilan” Division ng Philippine Army at ang Juander Radyo Cotabato matapos ang isinagawang courtesy visit sa himpilan ng nasabing istasyon sa Cotabato City.
Tinalakay ng dalawang kampo ang iba’t ibang programa at aktibidad ng batalyon, pati na rin ang mahalagang paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections ngayong Setyembre 14, 2026.
Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Juander Radyo Cotabato dahil sa kabila ng pagiging bago ng kanilang istasyon sa lungsod, buong-puso silang tinanggap at sinuportahan ng Kampilan Division para sa mga darating pang proyektong pampubliko.
Isang napakalaking tagumpay nito para sa mabilis at accurate na pagpapalaganap ng impormasyon. Patunay lamang ito na kapag nagkaisa ang militar at ang media, mas nagiging matatag ang seguridad at kapayapaan sa buong rehiyon.










