Nakatutok ang buong mundo sa nalalapit na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections ngayong Setyembre 14, 2026.
Isang matinding hamon ang binitawan ni COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia: Ito na ang pagkakataon ng BARMM para patunayang mali ang persepsyon na magulo ang rehiyon. Sa pagdagsa ng halos 200 accredited international observers, mga ambassador, at consul general sa Cotabato City, nasa ilalim ng mikroskopyo ang buong halalan.
Hindi lang kasi ang mga mananalo ang babantayan dito—ang kaayusan at integridad ng botohan ang magiging batayan ng foreign community para sa patuloy na pagbuhos ng tulong at mga proyekto sa Bangsamoro.
Nilinaw naman ng COMELEC na ang seguridad ay para magprotekta at hindi para manakot. Walang malawakang konsentrasyon ng militar at pulisya sa mga kalsada; naka-standby lang ang mga Quick Reaction Force sa kanilang mga kampo.
Mga guro pa rin ang pangunahing mamamahala sa mga polling precinct, habang may nakahandang halos dalawang libong reserve police personnel kung sakaling magkakulangan sa mga magsisilbi.
Ipakita natin sa buong mundo na handa at matatag ang Bangsamoro para sa isang malinis, maayos, at mapayang demokrasy.!










