Nagsagawa ng courtesy visit ang Juander Radyo Cotabato sa Bureau of Fire Protection o BFP-Cotabato bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng dalawang panig.
Pinangunahan ni Acting Chief Intelligence and Investigation Fire Station SFO1 Rolly Sulaiman ang pakikipagpulong, kung saan tinalakay ang mga posibleng hakbang para sa mas mabilis at maayos na pagbabahagi ng impormasyon sa publiko.
Kabilang sa mga napag-usapan ang fire prevention, kaligtasan, at tamang impormasyon na dapat malaman ng publiko sakaling magkaroon ng sunog o iba pang emergency.
Ipinahayag naman ng Juander Radyo Cotabato ang kahandaang makipagtulungan sa BFP sa pagpapalaganap ng mahahalagang paalala at impormasyon para sa kaligtasan ng mga residente.
Layunin ng inisyatibong ito na mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng media at mga awtoridad, lalo na sa panahon ng mga insidenteng nangangailangan ng mabilis at mapagkakatiwalaang impormasyon.










