Isinusulong ni Bangsamoro Parliament Member Mansor B. Ebrahim ang pagpapalawak ng serbisyo at tulong para sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis sa Special Geographic Area o SGA 1st District.
Bilang bahagi ng hakbang na ito, nakipag-usap siya sa isang medical institution upang talakayin ang posibleng pakikipagtulungan sa pagbibigay ng dialysis services at pinansyal na tulong sa mga pasyente.
Layunin nitong mapalapit ang serbisyong medikal sa mga residente at mabawasan ang gastusin ng kanilang mga pamilya.
Personal din niyang nauunawaan ang hirap ng ganitong gamutan dahil sumailalim din sa dialysis ang kaniyang ina.










