Tinalakay ang mga pangangailangan at kapakanan ng mga katutubo sa Maguindanao del Sur sa pagpupulong ng kinatawan ng mga katutubo at ng Provincial Administrator sa Provincial Capitol sa Buluan noong Nobyembre 17, 2026.
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng sektor ng mga katutubo. Layunin ng pagpupulong na mas mapakinggan ang kanilang mga hinaing at matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng pagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad sa Maguindanao del Sur.










