Nangakong dadalhin ni Bangsamoro Parliament Member Sulffy V. Abbas sa Parlamento ang mga hinaing at pangangailangan ng kabataan, partikular ang pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga bata sa Bangsamoro. Ito ay kasunod ng pakikipagpulong niya sa dalawang youth advocate mula sa Lanao del Sur noong Nobyembre 17, 2026.
Tinalakay sa pagpupulong ang pangangailangan ng mas matibay na mga polisiya para sa kaligtasan, karapatan at maayos na kinabukasan ng mga kabataan.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga lider at youth advocate upang mas mapakinggan ang mga problema at mungkahi ng sektor ng kabataan, anuman ang pagkakaiba sa pulitika.










