Tuluyang nasunog ang isang bahay na may karenderya sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City, nitong Martes, Nobyembre 17, bandang alas-12 ng tanghali.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, tinatayang nasa ₱250,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian. Apat na babae ang nasugatan sa insidente, kabilang ang mga edad 27, 43 at 60 anyos.
Nahirapan ang mga bumbero sa pagresponde dahil sa matinding trapiko at layo ng lugar. Nakatulong naman ang paggamit ng drone sa operasyon ng pag-apula ng apoy.
Sa paunang ulat ng BFP, posibleng nagsimula ang sunog dahil sa pagkaing naiwan habang niluluto sa karenderya. Patuloy pang inaalam ang eksaktong sanhi ng insidente.










