Agad na nagpaabot ng relief goods at tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte sa tatlong pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Barangay Tambo noong madaling-araw ng Nobyembre 15, 2026.
Ayon sa ulat, umabot sa labinlimang indibidwal ang naapektuhan ng sunog na naganap sa Purok Langka, pasado alas-dos ng madaling-araw.
Personal na nagtungo sa lugar ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan kasama ang mga opisyal at kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang ipamahagi ang agarang tulong.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng MDRRMO ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng mga kagamitang de-kuryente upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.










