Nakatanggap ng karagdagang 140 ready-to-lay chickens na nagkakahalaga ng mahigit ₱1.64 milyon ang 14 na samahan ng mga magsasaka sa Region 12 mula sa Department of Agriculture o DA-12.
Isinagawa ang pamamahagi mula Nobyembre 10 hanggang 13 sa ilalim ng SAAD Program Phase 2. Dahil dito, umabot na sa 1,010 ang kabuuang bilang ng mga manok na naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Layunin ng programa na mapalakas ang produksyon ng itlog, madagdagan ang kita at mapalawak ang kabuhayan ng mga magsasaka sa SOCCSKSARGEN.










