NUR MISUARI, NAGPAHAYAG NG BUONG SUPORTA KAY ABDULRAOF MACACUA BILANG CHIEF MINISTER NG BARMM

Marami ang nagalak sa pahayag ni Moro National Liberation Front o MNLF founder Nur Misuari na suportado niya ang pananatili ni Abdulraof Macacua bilang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa kanilang pagkikita sa tahanan ni Misuari sa Davao City noong Oktubre bente-dos, binati niya si Macacua sa pagkakahalal bilang miyembro ng Bangsamoro Parliament sa halalan noong Setyembre katorse, dos mil bente-sais, ayon kay Misuari, buo ang kanyang suporta kay Macacua, at binigyang-diin niyang kailangan ng rehiyon ang mga lider na maaaring mamuno sa pamahalaang Bangsamoro.

Si Macacua ay kabilang sa walumpung bagong halal na miyembro ng Bangsamoro Parliament na nakatakdang magtipon para sa inaugural session ngayong Oktubre trenta. Sa naturang sesyon, sisimulan ang proseso ng pagpili sa susunod na Chief Minister ng rehiyon, kailangan ng isang nominado ng hindi bababa sa apatnapu’t isang boto upang makuha ang mayorya sa walumpung mambabatas.

Samantala, bumuo ng alyansa ang apatnapu’t anim na bagong halal na miyembro ng parliament, kabilang si Macacua, sa isang workshop sa Davao City. Layunin ng grupo na isulong ang isang pamahalaang kumakatawan sa iba’t ibang sektor at komunidad sa BARM, nagtapos naman ang panunungkulan ni Macacua bilang interim Chief Minister sa pagsisimula ng unang sesyon ng mga bagong halal na mambabatas. Itinalaga siya sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago ang unang halalan para sa Bangsamoro Parliament.

Si Macacua ang pangulo ng Bangsamoro Federalist Party, habang si Misuari ay matagal nang kilalang lider ng MNLF at naging regional governor ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, sa nalalapit na pagpili ng bagong Chief Minister, magiging mahalaga ang mga boto at kasunduan ng mga mambabatas. Gayunman, ang pahayag ng suporta ni Misuari ay hindi nangangahulugang tiyak na si Macacua na ang mahahalal, dahil nakasalalay pa rin ito sa desisyon ng Bangsamoro Parliament.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Provincial Top 1 Most Wanted sa Maguindanao del Sur at Regional Top 8 Most Wanted sa buong rehiyon

TOP 1 MOST WANTED SA MAGUINDANAO DEL SUR AT TOP 8 SA BUONG BARMM,...

0
Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO BAR ang isang high-priority wanted person na kabilang sa Provincial Top...
SUSPEK SA PAG-ATAKE GAMIT ANG RPG SA MAGUINDANAO, ARESTADO

SUSPEK SA PAG-ATAKE GAMIT ANG RPG SA MAGUINDANAO, ARESTADO

0
Arestado ng Maguindanao del Sur Police ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa mga nagplano ng pag-atake kay Shariff Aguak Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan gamit...
MAGSASAKA, PATAY SA PAMAMARIL SA SGA-BARMM

MAGSASAKA, PATAY SA PAMAMARIL SA SGA-BARMM

0
Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng national highway sa Barangay Nabalawag, Special Geographic Area o SGA...
MILF AT MNLF COMMANDERS, NAKIPAGKAISA SA PNP PARA SA KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD

MILF AT MNLF COMMANDERS, NAKIPAGKAISA SA PNP PARA SA KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD

0
Nagkaisa ang mga commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, Moro National Liberation Front o MNLF, at Philippine National Police o PNP upang...
MGA MIYEMBRO NG PARTIDO, HINIMOK NA MAGKAISA SA PAGPILI NG BAGONG CHIEF MINISTER

MGA MIYEMBRO NG PARTIDO, HINIMOK NA MAGKAISA SA PAGPILI NG BAGONG CHIEF MINISTER

0
Hinimok ang mga miyembro ng mga partido at koalisyong pampulitika sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na magkaisa at suportahan ang...
Talisawa Bridge hanggang Kauran Bridge ampatuan solar lights project

MADILIM NA RUTA SA AMPATUAN, SOLAR LIGHTS PROJECT NAKUMPLETO NA

0
Ganap nang nakumpleto ang paglalagay ng mga solar light sa kahabaan ng Kauran Proper National Highway sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao del Sur. Saklaw...

Hot this week

Juander Radyo Drama Production Center

Juander Radyo Drama Production Center Juander Radyo Drama Production Center...

Juander Radyo Online – Malaybalay

  🎙️ Juander Radyo Online - Malaybalay Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Dipolog

  🎙️ Juander Radyo Online - Dipolog Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Pagadian

  🎙️ Juander Radyo Online - Pagadian Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Digos

  🎙️ Juander Radyo Online - Digos Juander Radyo...

TOP 1 MOST WANTED SA MAGUINDANAO DEL SUR AT TOP 8 SA BUONG BARMM, ARESTADO

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office Bangsamoro...

SUSPEK SA PAG-ATAKE GAMIT ANG RPG SA MAGUINDANAO, ARESTADO

Arestado ng Maguindanao del Sur Police ang isang lalaking...

MAGSASAKA, PATAY SA PAMAMARIL SA SGA-BARMM

Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi pa...

MILF AT MNLF COMMANDERS, NAKIPAGKAISA SA PNP PARA SA KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD

Nagkaisa ang mga commander ng Moro Islamic Liberation Front...

MADILIM NA RUTA SA AMPATUAN, SOLAR LIGHTS PROJECT NAKUMPLETO NA

Ganap nang nakumpleto ang paglalagay ng mga solar light...

DEPED-12, PINAGHAHANDA ANG MGA PAARALAN SA EPEKTO NG MATINDING EL NIÑO

Pinalalakas ng Department of Education o DepEd Region 12...
RSV Online https://www.rsvlifecaremarketing.comspot_imgspot_img

Related Articles

Popular Categories

spot_imgspot_img