Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagpatay kay Barangay Kagawad Joel Magud noong Oktubre 17 at sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril kinabukasan, Oktubre 18, sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur.
Sa pamamaril noong Oktubre 18, nasawi si Cyril Tomas habang sugatan naman ang miyembro ng Civilian Armed Auxiliary o CAA na si Jayjay Guiaman.
Bilang bahagi ng pagsubaybay sa mga kaso, nagsagawa ng koordinasyon at follow-up noong Oktubre 19 ang Ministry of Indigenous Peoples Affairs, sa pamamagitan ng Special Assistance and Legal Aid Division o SPALAD, sa Datu Unsay Municipal Police Station.
Layunin ng pagbisita na alamin ang kasalukuyang estado ng imbestigasyon sa dalawang insidente. Wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa mga suspek at motibo sa likod ng mga pamamaril.










