Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng dalawang pistola sa isang checkpoint operation kagabi sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat ng Shariff Aguak Municipal Police Station, napansin ng mga pulis ang dalawang baril na nakalagay sa tabi ng drayber at pasahero ng isang puting Nissan Navara.
Nang hingan ng kaukulang mga dokumento para sa mga baril, nabigo ang dalawang lalaki na magpakita ng mga ito kaya sila inaresto. Nasamsam mula sa mga suspek ang isang 9mm Armscor pistol at isang Norinco .45-caliber pistol, kasama ang mga bala at magazine.
Nahaharap ang dalawang lalaki sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.









