Pinarangalan ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army ang 67th Infantry Battalion bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at pagtulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad noong unang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Isinagawa ang send-off ceremony noong Oktubre 21 sa Old Capitol, Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Pinangunahan ito ni Brigadier General Gremel B. Brual, commander ng 601st Infantry Brigade.
Naideploy ang 67th Infantry Battalion sa ilalim ng nasasakupan ng 601st Brigade upang tumulong sa 90th Infantry Battalion sa pagbabantay sa seguridad noong Setyembre 14, 2026, kasabay ng unang halalan para sa Bangsamoro Parliament.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Brual ang mga sundalo sa kanilang dedikasyon at mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusan sa panahon ng halalan.
Tiniyak din ng opisyal na magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng 601st Infantry Brigade sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa Maguindanao del Sur.










