Tinalakay ang mga naging operasyon at hamon sa seguridad noong unang Bangsamoro Parliamentary Elections 2026 sa dalawang araw na post-assessment workshop ng Commission on Elections o COMELEC.
Lumahok sa aktibidad ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office o MDS PPO, na nagsimula noong Oktubre 20 at nagtapos noong Oktubre 21, 2026.
Sa workshop, sinuri ang naging pagpapatupad ng seguridad sa katatapos na halalan sa Bangsamoro, kabilang ang pag-deploy ng mga tauhan ng pulisya, pakikipag-ugnayan sa COMELEC, at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar na itinuturing na kritikal.
Layunin ng post-assessment na matukoy ang mga naging matagumpay na hakbang, gayundin ang mga hamong kinaharap ng mga awtoridad, upang higit pang mapahusay ang paghahanda at pagpapatupad ng seguridad sa mga susunod na halalan.










