Ipinagmalaki ng MSSD-BARMM ang mga naging programa at tagumpay nito sa loob ng pitong taong transition period ng Bangsamoro, na tampok sa inilunsad na aklat na “Athar.”
Tampok sa aklat ang mga programang nagpalawak ng serbisyong panlipunan para sa mga mahihirap at vulnerable na sektor, kabilang ang kababaihan, kabataan, at mga pamilyang nangangailangan ng tulong. Kabilang dito ang BCARES na nagbigay ng suporta sa mga dating combatant ng MILF bilang bahagi ng proseso ng kapayapaan.
Ayon kay MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie, ang tunay na legasiya ng pitong taong serbisyo ay makikita sa mga buhay at pamilyang natulungan. Ang “Athar,” na nangangahulugang bakas o iniwang tanda, ay sumisimbolo sa mga pagbabagong naihatid ng MSSD sa mga komunidad ng Bangsamoro.










