Nagsagawa ang Cotabato City Police Office o CCPO ng School Safety and Emergency Response Seminar para sa mga guro at school staff ng Innovative Systems Institute Incorporated noong Oktubre dalawa, dalawang libo’t dalawampu’t anim.
Tinalakay sa seminar ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng emergency kabilang ang agarang pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad pagsunod sa safety protocols at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan ng mga guro at school personnel sa pagtugon sa emergency at posibleng banta kabilang ang nihilistic violent extremism upang mapanatili ang ligtas na learning environment para sa mga estudyante at kawani ng paaralan.










