Nanawagan ang mga lokal na lider at residente sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ng agarang pag-aayos sa sagupaan ng dalawang grupong iniuugnay sa MILF matapos ang insidente noong Setyembre tatlumpu na ikinasawi ng isang labing-isang taong gulang na estudyante at ikinasugat ng isang magsasaka.
Dahil sa labanan daan-daang residente ang napilitang lumikas sa mga evacuation site. Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa magkabilang panig na ayusin ang alitan sa mapayapang paraan habang marami pa ring evacuee ang nag-aatubiling bumalik dahil sa pangambang muling magkaroon ng sagupaan.
Samantala sinabi ng Sixth Infantry Division ng Philippine Army na nakahanda ang kanilang mga yunit na tumulong bilang peacekeepers kung muling sumiklab ang labanan. Patuloy din ang koordinasyon ng militar at lokal na pamahalaan para sa seguridad at tulong sa mga residenteng lumikas.










