Nagsusulong ng pagtutulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte at Metro Cotabato City Water District o MCWD para mapalawak ang water system at magkaroon ng sapat at maaasahang suplay ng tubig ang mas maraming residente.
Ayon kay Governor Datu Tocao Mastura, pag-aaralan ang pagpapahusay ng mga pasilidad at imprastraktura para sa pagkuha at distribusyon ng tubig, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan ng karagdagang water infrastructure.
Kailangan din umano ang suporta ng BARMM Government upang maisulong ang proyekto. Patuloy ang koordinasyon at pagpaplano ng provincial government, MCWD at iba pang ahensya para matukoy ang mga prayoridad na lugar at pangangailangan ng mga residente.










