Patay ang isang lalaki habang kritikal naman ang isang babae matapos silang pagbabarilin sa harap mismo ng Buluan District Hospital sa Buluan, Maguindanao del Sur, ngayong tanghali.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Buluan Municipal Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at malaman ang dahilan sa likod ng pamamaril.
Nagsasagawa na rin ang mga pulis ng hot pursuit operation o pagtugis sa mga suspek. Sa ngayon, wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang mga awtoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng mga salarin at kung paano nangyari ang insidente.
Patuloy pang inaalam ang iba pang impormasyon kaugnay ng pamamaril.










