Tiniyak ng Police Regional Office-BARMM na patuloy na binabantayan ng kapulisan ang seguridad sa rehiyon sa kabila ng mga naitalang insidente ng pamamaril. Ayon kay Police Captain Steffi Salanguit, tagapagsalita ng PRO-BARMM, nagpapatuloy ang pagbabantay ng mga pulis sa mga komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Ito ang kanyang naging pahayag nang tanungin kung ligtas pa rin bang ituring ang BARMM matapos ang ilang insidente ng pamamaril, kabilang ang mga kinasangkutan ng mga naka-unipormeng tauhan. Dagdag pa ni Salanguit, tuloy-tuloy ang pagpapakita ng presensya ng mga pulis, pagpapatrolya, at mga operasyon laban sa krimen sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Layunin nitong maiwasan ang mga krimen at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.










