Tumanggap ng limang daang libong piso na tulong-pinansyal ang Schools Division Office ng Maguindanao del Sur mula sa pamahalaang panlalawigan bilang suporta sa paghahanda para sa Provincial Meet 2026.
Pinangunahan ni Datunot Abdullah ang pamamahagi ng tulong na tinanggap naman ni Schools Division Superintendent Alma Abdula-Nor, PhD, sa Provincial Capitol sa Buluan, Maguindanao del Sur.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng patuloy na suporta sa mga programang pampalakasan sa lalawigan. Isinusulong ng programa ang paglinang sa talento, kakayahan, at disiplina ng mga kabataang atleta.
Kabilang sa mga namumuno sa pamahalaang panlalawigan sina Governor Datu Ali Midtimbang Sr., Vice Governor Ustadz Datu Hisham Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.
Layunin ng tulong-pinansyal na masuportahan ang paghahanda ng mga atleta para sa nalalapit na Provincial Meet 2026.










