Namatay ang isang bata habang tatlo pa ang patuloy na hinahanap matapos malunod sa Pulangi River sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato. Batay sa paunang impormasyon, pitong bata ang nagtungo sa ilog bandang alas-4 ng hapon. Tatlo sa kanila ang nakaligtas at kinilalang sina Maher, Datu Masla at Asir.
Samantala, natagpuan naman ang batang si Sultan, ngunit kumpirmadong patay na matapos malunod. Patuloy namang hinahanap ang tatlo pang nawawalang menor de edad na sina Sambuto, Datu Manawt at Fahad.
Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang Kabacan MPS kasama ang KIQRT Kabacan, MDRRMO, BFP Kabacan at RHU Kabacan. Pansamantalang sinuspinde ang operasyon bandang alas-6 ng gabi dahil sa kondisyon ng lugar. Inaasahang ipinagpatuloy ang paghahanap sa tatlong nawawalang bata nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 18.
Patuloy pa ang operasyon at hinihintay ang karagdagang impormasyon mula sa mga awtoridad.










