Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱136,000 halaga ng suspected shabu sa isang buy-bust operation sa Parang, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas na “Tali” at “Je,” na umano’y nahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa mga operatiba. Nasamsam mula sa kanila ang humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money at ilang identification cards.
Pinangunahan ng Parang Municipal Police Station ang operasyon, katuwang ang Tactical Support Company ng RMFB 14A at Provincial Intelligence Unit ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










