Patay ang isang driver habang sugatan ang babaeng kasama nito matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa isang gasoline station sa Sitio SPDA, Barangay Manaulanan, Tugunan, SGA-BARMM, nitong Linggo ng umaga, Nobyembre dalawampu’t dalawa.
Kinilala ang sugatang babae na si Naribae Mangansakan Cansi, habang hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng nasawing driver. Batay sa paunang imbestigasyon, patungo sa Pikit ang dalawa mula sa Barangay Silik sakay ng itim na motorsiklo nang pagbabarilin sila sa nasabing lugar.
Nasawi ang driver sa pinangyarihan, habang isinugod naman sa ospital si Cansi para sa agarang lunas. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril.
Photo courtesy: wikipedia










