Tinalakay ng mga Members of Parliament-elect ng BFP-led coalition government ang mga panukalang batas na bibigyang-prayoridad sa pagbubukas ng kauna-unahang regular na Bangsamoro Parliament.
Ito ang naging sentro ng ikatlong araw ng kanilang strategic planning workshop noong Oktubre labing-anim, dalawang libo dalawampu’t anim.
Layunin ng mga panukalang batas na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan at patibayin ang pundasyon ng bagong Pamahalaang Bangsamoro.
Ayon sa BFP coalition, isusulong nila ang mga batas na may malinaw na direksyon, makabuluhang reporma, at mga pagbabagong direktang mararamdaman ng bawat Bangsamoro.










