Nagkampeon ang 601st Brigade sa Kampilan Steel Challenge 2026 na idinaos ng 6th Infantry Division ng Philippine Army noong Sabado, Oktubre labimpito, sa 6ID Firing Range, Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Bahagi ang paligsahan ng ika-tatlumpu’t siyam na anibersaryo ng 6ID na may temang “6ID @ 39: Maalab na Serbisyo, Matatag na Hukbo, Ligtas na Sambayanan.” Layunin ng aktibidad na mapahusay ang kakayahan ng mga sundalo sa tamang paghawak ng armas, pagtutulungan, disiplina, at kahandaang pangkombat.
Lumahok sa kompetisyon ang iba’t ibang yunit ng 6th Infantry Division. Sa closing ceremony, binigyang-diin ni Brigadier General Edgar L. Catu, Assistant Division Commander, ang kahalagahan ng kahusayan sa paghawak ng armas sa pagtupad ng mga misyon at pagtiyak sa kaligtasan ng mga sundalo.










