Patuloy na isinusulong ng Cotabato City Police Office o CCPO ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin ang kampanya laban sa mga ilegal na gawain sa lungsod ng Cotabato.
Ito ang ibinahagi ng Public Information Office o PIO ng CCPO sa programang Ronda Opisina ng 102.1 Juander Radyo Cotabato. Ayon sa kapulisan, mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga mamamayan, lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya upang mas epektibong matugunan ang mga usaping may kinalaman sa seguridad.
Kabilang sa kanilang mga hakbang ang patuloy na pagpapatupad ng batas, mga operasyong pangseguridad, at pagpapalakas ng ugnayan sa mga komunidad upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Samantala, hinihikayat ng CCPO ang mga residente na agad iulat sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang aktibidad at posibleng paglabag sa batas. Binigyang-diin ng kapulisan na mahalaga ang pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng publiko upang mapanatili ang isang ligtas at mapayapang Cotabato City.










