Tinitiyak ng Cotabato City Police Office o CCPO ang maayos at patas na pamamahagi ng mga programa ng pamahalaan para sa mga dating miyembro ng ilegal na grupo na nagbalik-loob at nagpasyang makipagtulungan sa gobyerno.
Ito ay matapos bisitahin ng 102.1 Juander Radyo Cotabato News Team ang CCPO upang alamin ang mga programang nakalaan para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Kabilang sa mga tulong na maaaring ipagkaloob ang mga programang pangkabuhayan o livelihood assistance at iba pang serbisyong makatutulong sa kanilang muling pagbangon.
Ayon sa CCPO, mahalaga ang koordinasyon ng kapulisan at mga kinauukulang ahensya upang matiyak na patas na maipagkakaloob ang tulong batay sa mga itinakdang kwalipikasyon at proseso.
Inaasahang makatutulong ang mga programang ito upang mabigyan ang mga dating miyembro ng pagkakataong magkaroon ng marangal na hanapbuhay at makapagsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang pamilya, kasabay ng pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa Cotabato City.










