Binigyan ng Bangsamoro Transition Authority o BTA Parliament hanggang ngayong darating na October 15 ang mga miyembro nito upang masusing suriin ang committee report para sa panukalang Magna Carta of Persons with Disabilities o PWDs. Sa pamamagitan nito, bibigyan ng sapat na panahon ang mga kawani ng kapulungan na ihanda ang kanilang mga katanungan, kaisipan, at mga mungkahing susog bago ang muling pagsasailalim sa kasunod na yugto ng deliberasyon.
Sa opisyal na sesyon ng BTA nitong nakaraang Lunes, October 12, pormal na tinalakay ang Parliament Bill Number 443 na may layuning palakasin ang proteksyon sa karapatan, pangkalahatang kapakanan, at kapakinabangan ng lahat ng mga persons with disabilities sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Layun din ng naturang panukala na tiyakin ang mas pantay na fresentasyon at oportunidad para sa sektor ng PWDs sa rehiyon.
Samantala, bukod sa talakayan hinggil sa PWD Magna Carta, ipinagpaliban muna ng BTA Parliament ang pagtalakay sa dalawang magkahiwalay na panukalang resolusyon. Kabilang dito ang deliberasyon ukol sa opisyal na transition report ng BTA, pati na rin ang resolusyong naglalayong tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at pamasahe na labis na pumapaasan sa mga mamamayan sa lalawigan ng Tawi-Tawi.










