Sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang isang singkwenta’y tres anyos na magsasaka matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte,
Kinilala ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang biktima na si Sammy Juan, limampu’t tatlong taong gulang at residente ng Barangay Wadya, Banisilan, North Cotabato.
Batay sa paunang ulat, nagaganap ang pamamaril dakong alas-diez dies ng umaga nang bigla na lamang barilin ang biktima. Agad namang nadatnan ng mga nagresponding pulis ang biktima na nakahandusay at duguan sa kalsada, kaya mabilis itong isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) para lapatan ng agarang lunas.
Samantala, nakatagpo ang mga awtoridad ng apat na basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen, habang mabilis namang tumakas ang suspek sa hindi pa matukoy na direksyon. Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation at malalimang imbestigasyon ng DOS MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at maipataw ang kaukulang parusa.










