Patay ang isang barangay chairman sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte matapos pagbabarilin ng motoristang mga kalalakihan sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat nitong Linggo. Kinilala ang biktima na si Manalo Mangelen Nur Sr., chairman ng Brgy. Dados sa Datu Odin Sinsuat.
Sa report ng Sultan Kudarat Provincial Police Office (PPO), dakong tanghali nitong Linggo, lulan ng Nissan Navara pickup truck ang biktima na bumabagtas sa provincial road ng Esperanza nang pagbabarilin ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.
Ang biktima, third term chairman ng Barangay Dados. ay patungo sa isang lugar sa Esperanza kung saan nagtayo na siya ng bahay bilang kanyang retirement place ng tambangan ng mga salarin.
Samantala, patay rin ang isang kagawad ng Brgy. Bongued na si Amil Beno matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki habang lulan ng kanyang payong-payong tricycle sa Poblacion Dalican sa Datu Odin Sinsuat kahapon.
Katulad ni Nur, Si Beno ay mula din sa noble Maguindanaon clan, aktibo sa pagsuporta sa mga programang nagpo-promote sa religious at cultural solidarity ng mga Muslim, Kristiyano at indigenous non-Moro communities sa Datu Odin Sinsuat.
Bagamat sa Esperanza, isa sa mga bayan sa Sultan Kudarat, pinaslang si Nur, kung saan mayroon siyang tahanan, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat siya inilibing ng kanyang mga kamag-anak. Makikita sa larawan na nakabulagta sa sementong kalye ang napaslang na barangay kagawad na si Beno.










