Kinilala ng 6th Infantry Division o 6ID ng Philippine Army ang ambag ng 72nd Infantry Battalion ng 10th Infantry Division sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE noong Setyembre labing-apat, 2026.
Isinagawa ang pagkilala sa pamamagitan ng send-off ceremony noong Oktubre sampu, 2026, sa 6th Division Training School sa Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ayon kay Brigadier General Ricky P. Bunayog, Acting Commander ng 6ID at Joint Task Force Central, ipinakita ng mga sundalo ang disiplina, propesyonalismo at dedikasyon sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga botante at iba pang sangkot sa halalan.
Hinimok din niya ang mga sundalo na patuloy na isabuhay ang disiplina, dangal at paglilingkod sa bayan sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang yunit.
Dumalo rin sa seremonya si Brigadier General Larry C. Batalla, Commander ng 1st Marine Brigade, kasama ang iba pang mga opisyal at tauhan ng militar.
Ayon sa 6ID/JTF Central, magpapatuloy ang pakikipagtulungan nito sa mga yunit ng militar at iba pang ahensiya upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad at katatagan sa Central Mindanao.










