Nagsagawa ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO ng 20 operasyong panseguridad noong Oktubre nuwebe, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong indibidwal at pagkakakumpiska, pagkakasuko at pagdedeposito ng 20 baril na walang kaukulang dokumento o pahintulot.
Sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Ramel B. Hojilla, binubuo ang mga operasyon ng limang search warrant operations, limang Oplan Katok activities at sampung operasyong Tugro o Bilang Boga.
Sa kabuuang 20 baril na nakuha, lima ang nakumpiska ng mga pulis, sampu ang boluntaryong isinuko at lima ang idineposito para sa pag-iingat. Nakakuha rin ang mga awtoridad ng 15 bala.
Ayon sa CPPO, bahagi ang mga operasyong ito ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na pagmamay-ari at pagkalat ng mga baril.
Layunin ng kampanya na maiwasan ang mga insidente ng pamamaril at mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan at seguridad ng mga komunidad sa buong lalawigan.










