Arestado ang isang 36-anyos na pintor na umano’y sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos umanong kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng PNP Station 3 sa Purok Bailabi, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City, bandang alas-7 ng gabi nitong Oktubre 6, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na Datu, may asawa at residente rin ng naturang lugar. Ayon sa pulisya, limang maliliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa suspek, na may kabuuang timbang na 0.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,040.
Batay sa ulat, sinasabing pintor ang suspek at umano’y nagsa-sideline sa pagtutulak ng ilegal na droga. Dinala ang suspek sa PNP Station 3 habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Photo courtesy: istock










