Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos umanong barilin sa ulo ng kanyang first cousin sa Barangay Cabayuan, Buldon, Maguindanao del Norte. Kinilala ng Buldon Municipal Police Station ang biktima na si Racman C. Manabilang, 27 anyos, hiwalay sa asawa at residente ng naturang barangay.
Batay sa police report, nang kumukuha ng tubig ang biktima. Pagdating umano nito sa harap ng kanilang bahay, bigla siyang binaril ng suspek na kinilalang si Nabil T. Ali, legal age, may asawa at residente ng Sitio Kiteb, Barangay Rumidas. Gumamit umano ang suspek ng kalibre .45 na baril at tinamaan ng dalawang bala sa ulo ang biktima.
Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek. Isinugod naman ng pamilya ang biktima sa Iranun District Hospital sa Parang, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre .45. Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya, katuwang ang 2nd Mechanized Rifle Battalion at Barira MPS, para sa posibleng pagkakadakip sa suspek na nananatiling nakatakas.










