Isang Thanksgiving Kanduli ang idinaos, bilang pagkilala at pasasalamat sa mga UBJP Youth Volunteers na naging katuwang sa matagumpay na kampanya ng bagong halal na BARMM Youth Representative at Member of Parliament Al-Haafidh Sulffy Abbas.
Binigyang-pugay sa pagtitipon ang oras, pagsisikap, at sakripisyo ng mga kabataang volunteers na aktibong tumulong sa pangangampanya at pagpapalaganap ng mga adbokasiya para sa kabataang Bangsamoro.
Kasama si MP Sulffy Abbas, ang kanduli ay nagsilbing pagkakataon upang magpasalamat kay Allah o SWT sa tagumpay at kilalanin ang mahalagang ambag ng mga youth volunteers sa pagkakaroon ng mas malakas na representasyon ng kabataan sa Bangsamoro Parliament.










