Umabot sa isang libo at pito ang mga indibidwal mula sa Sultan Kudarat at Sultan Mastura na nakatanggap ng mobile radio mula sa tanggapan ni Member of Parliament at MAFAR Minister Atty. Ishak V. Mastura.
Isinagawa ang pamamahagi kasabay ng seminar tungkol sa tamang paggamit ng Restricted Land Mobile Radio nitong Lunes, Nobyembre dalawampu’t tatlo, sa ilalim ng 2026 Transitional Development Impact Fund o TDIF.
Layunin ng pagsasanay na maturuan ang mga benepisyaryo sa wastong paggamit ng radyo upang mapabilis ang komunikasyon at koordinasyon, lalo na sa panahon ng sakuna, emergency at mga operasyong pangseguridad.
Inaasahang magagamit ang mga ipinamahaging kagamitan ng mga barangay, lokal na pamahalaan at mga frontliner para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad.










