Arestado ang isang 43-anyos na magsasaka matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱156,000.00 halaga ng shabu sa Brgy. Cabayuan, Buldon, Maguindanao del Norte. Naisakatuparan ang operasyon alas-12:10 ng tanghali noong Oktubre 16 sa pamamagitan ng pinagsanib-pwersang pwersa ng, PNP Drug Enforcement Group (PDEG) SOU 15 BAR, 2nd Marine Company, Buldon Municipal Police Station (MPS), PDEA BARMM
Kinilala ng mga awtoridad ang nadakip na si alyas “Maungko”, isang residente rin ng nasabing barangay. Ang operasyon ay pinangunahan ni Team Leader PLT. Joey Dela Cruz sa ilalim ng superbisyon ni PDEG SOU BAR Acting Commander PLTCOL. Mina Agbisit.
Nakuha mula sa Suspek Isang medium at anim na maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 26 gramo, ₱156,000.00, Isang pirasong tunay na ₱1,000 bill na nakapatong sa 35 piraso ng pekeng ₱1,000 boodle money.
Nasa kustodiya na ng Buldon MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). Ipinadala naman ang mga nakuhang ebidensya sa RFU-BAR para sa laboratory examination.










