Arestado ang tatlong indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation kagabi sa Barangay Tapian, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Ayon sa ulat, naabutan umano ang mga suspek na gumagamit ng hinihinalang shabu bago sila tuluyang dinakip ng mga awtoridad. Pinangunahan umano ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, sa pangunguna ni Police Captain Sammy, ang naturang operasyon.
Sa isinagawang entrapment operation, naabutan umano ng mga pulis ang tatlong suspek na sangkot umano sa paggamit ng hinihinalang ilegal na droga. Agad silang inaresto matapos ang isinagawang transaksyon. Nakuha mula sa mga naarestong indibidwal ang buy-bust money, hinihinalang shabu, at ilang drug paraphernalia.
Matapos ang operasyon, dinala ang tatlong suspek sa himpilan ng Datu Odin Sinsuat Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon. Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa mga ito, alinsunod sa umiiral na batas. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naturang operasyon.










